August 2, 2013: My 19th Birthday!!

Hello! Thank you for visiting my blog today!

This entry talks about how I celebrated my 19th Birthday together with my friends. I hope you like it!

Grabe, 19 years old na pala ko, ang bilis ng panahon!! Parang kelan lang naglalaro pa ko sa labas ng bahay ng patintero at tumbang preso. Sarap balikan nung mga moments na naglalaro ka pa sa playground ng school niyo at nakikipaglaro ng barbie sa bff mo. Haha! Saakin medyo iba ng konti, di ako naglaro ng barbie at di ako naglalaro sa playground. Ako yung babaeng kotse ang nilalaro at nakikipagsuntukan sa mga lalaki sa school. Bata palang ako, warfreak na eh! 😀 akala nga nila tomboy ako pero hello, IM SO GIRL KAYA! di ko lang talaga peg ang maglaro ng barbie, kaderder kaya! haha!!

IMG_20130801_183143

LAKAS MAKA #THROWBACK EH! haha!

Mahilig akong magpa-ID picture eh nuh. So, ayan po ang evolution ko bilang isang magandang dilag! Tabachingching po talaga ako simula pagkabata kaya lagi akong kinukurot ng mga tao eh, nakahanap sila ng pipisilin, kakaasar kaya! haha 😀

Ang cute cute ko sa first 2 pictures sa taas, yung walang ka malay malay sa mundo at kung makangiti ako eh pacute talaga.

19 years na kong naghahasik ng powers sa planetang earth! Marami-rami na kong pinagdaan na masasaya at malulungkot na moments pero ito parin ako, Alive and Kicking ang PEG! Walang aayaw talaga, tuloy ang buhay kahit anong pagsubok! I take things lightly and positively, di masyadong madrama para maenjoy ang life.

BABALA: Huwag niyo pong titigan ang mga litrato ko, panget ako dyan, alam ko! haha :))

My morning of August 2, 2013 started with a talk from an Antipolo Officer regarding how Antipolo  evolved into what we know now and an orientation about our retreat too. It was okay pero naassign nanaman akong leader para dun sa pupuntahan naming place, Jusko lang! Pinagiisip pa ko! Kakasar! And then, after those school affairs we went to this newly opened restaurant called “The Little Burgers” same building with Infinitea Antipolo (same owner too :P)

IMG_0606-vert

This is their menu! RAAWWRRR!

IMG_0608

Dane, Sep and Yana were super excited to choose their burgers!!! 😀

We ordered Little sizes of Classic, Kahuna, David and Yao Ming plus Mojos and Mozzarella Sticks which is super to die for, supeeer yummy niyang mozzarella sticks!!! 😀 Super busog kami sa orders namin!

IMG_0657

Yummy diba? 😀 Di pa kumpleto yung order namin  dyan, marami pang darating na cute sizes of burgers!!

IMG_0658

Sep and Mika were goofing around and modeling those little burgers!

IMG_0671

We super love it!! Can you explain Yana’s face over there? sobrang excited pero parang napaitan siya sa burger! haha!

You can order drinks from Infinitea right at the little burger’s counter and it will be served to you as well. Infinitea is just 15 steps away so it was super accessible!

AND, btw thank you dane for this photo! super lakas naming magendorse!! 😀

IMG_0607

Their ambiance was very cool and refreshing, we super like the wall papers too!!

IMG_0622

And these are my girlfriends! Mika, Sep, Yana and Dane! Ang tagal na ng friendship namin simula 1st year college pa, so bali 4 years and counting na kaming magkakasama! Sino bang makakapagsabi na magcclick kaming lima diba? pero super thankful ako kay God na sila ang naging BFF ko ngayon, wala na kong mahihiling eh. May singer – Sep. May preacher – Yana. May photographer – Dane. May Pooh – Mika. HAHAHAHA!!!! Oh diba? kumpleto ang barkada!

IMG_0623

Itong friendship namin the more na tumatagal, the more na sumasaya. Sa lahat ng kalokohan magkakasama kami, walang iwanan, laging magkakasama sa breaks, seminars, gala at kung ano pa man. Pinagtatakpan rin ang isat isa kapag kailangan. Oh, wala ka ng hahanapin pa! Haha! Lagi kaming may topic everyday kaya chikka to the max talaga. haha. Super saya kasi nadagdagan pa nga kami ng dalawa eh!

971527_10201737927552624_353507566_n

Si Isa at Xyril. Oh, lumalaki na ang grupo namin diba? haha :)) tuwing groupings dapat magkakasama talaga kami kundi gera na! Nakikipag bargain pa nga kami ng number of members para sakto samin eh. Demanding lang kami! hehe.

cats

Compilation ng photos namin sa labas nung resto. Ang cute ng background diba? 😀 todo kami sa pagpicture kasi wala namang tao at syempre birthday ko nga kasi!

cats2

At dahil birthday ko nga, ito ang compilation ng aming masayang jumpshots! Vain kami kapag may time at kapag walang tao. Ginulo nga namin yung arrangement ng upuan makapag papicture lang. haha!! #Happiness!

Matagal rin kaming nagstay dun, 3 hrs rin kasi kwentuhan at tawanan lang kami ng tawanan! 😀 masayahin kami promise! After nito, uwi na sa bahay at gawa ulit ng school papers!!!!!!

3

Thank you seppy sa iyong super nakakashock na video! haha :)) super duper appreciated! ito yung mga time na alam kong wala kang magawa at sabaw na sabaw sa feasib. haha :)))

1111

Binati rin ako ng google!! nawala nga yung fireworks at iba pang chorva na lumabas sa screen eh, kakainis di ko nakunan! haha :)))

cats

Thank you sa pagbati ng aking pinakamamahal na Ina with comments from her friends wishing me happy birthday! hehe. Thank you mommy!

cats (2)

Thank you rin sa aking Itay na sosyal may ecard talaga! haha :)) Kakaloka lang!

THANK YOUUUUUUU!!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s